MGA PATAKARAN NA DAPAT SUNDIN NG MGA KUSTOMER DITO SA LANSHOP
- Ipa-scan muna ang flash disk at iba pang usb devices bago isaksak sa pc para maiwasan ang virus.
- Bawal mag-install ng kahit ano o magbago ng system files.
- Bawal mag-download ng walang pahintulot. magpaalam muna sa may-ari o bantay. Bawal mag-download ng malalaking data/files at bawal ding puro download lang ang gagawin.
- Bawal ang porno at iba pang kalaswaan kahit pa matanda.
- Bawal din ang walang damit kahit makisig.
- Bawal dito ang maaarte at mga mareklamo. Kung hindi gusto ang takbo ng pc, gamit o loob ng shop, lumipat sa iba kung saan kayo masaya.
- Bawal dito ang magmura
- Bawal dito ang manigarilyo
- Bawal din ang nakainom ng alak
- Huwag dito magharutan. Huwag dito mag-asaran.
- Hindi pananagutan ng may-ari/bantay kung kayo ay masaktan o maaksidente dito.
- Hindi pananagutan ng may-ari/bantay kung may sariling gamit kayo na masira o mawala.
- Babayaran anumang masirang gamit dahil sa kawalang-ingat o paglilikot.
- Itapon sa tamang lalagyan ang inyong basura, wag iwan sa lamesa.






